29 armas ng mga residente isinuko sa Sultan Kudarat

Iniulat nitong Miyerkules ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, na kusang loob na isinuko ng mga may-ari ang naturang mga baril sa pakiusap ng mga opisyal ng 603rd Infantry Brigade at ng 37th Infantry Battalion at ni Palimbang Mayor Joenime Kapina. Sila ang katuwang ng 6th ID sa pagpapatupad sa Palimbang ng Small Arms and Light Weapons Program, o SALW Program, ng 6th ID at ni Secretary Carlito Galvez, Jr. ng Office of the Presidential Adviser on Peace, reconciliation and Unity.

COTABATO CITY, Philippines — Karagdagang 29 na iba’t ibang uri ng armas ang ipina-kustodiya nitong Lunes ng mga residente ng Palimbang, Sultan Kudarat sa militar bilang tugon sa disarmament program ng 6th Infantry Division kaugnay ng Mindanao peace process ng Malacañang.

Iniulat nitong Miyerkules ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, na kusang loob na isinuko ng mga may-ari ang naturang mga baril sa pakiusap ng mga opisyal ng 603rd Infantry Brigade at ng 37th Infantry Battalion at ni Palimbang Mayor Joenime Kapina. Sila ang katuwang ng 6th ID sa pagpapatupad sa Palimbang ng Small Arms and Light Weapons Program, o SALW Program, ng 6th ID at ni Secretary Carlito Galvez, Jr. ng Office of the Presidential Adviser on Peace, reconciliation and Unity.

Isinagawa ang pagsuko ng 29 armas na kinabibilangan ng assault rifles, bolt-action sniper rifles at mga grenade launchers sa tanggapan ni Kapina, na dinaluhan ng mga opisyal ng police units na sakop ng Police Regional Office-12 at ng Philippine Coast Guard at nila Lt. Col. Christopherson Capuyan ng 37th IB at ng commander ng 603rd Infantry Brigade, si Brig. Gen. Michael Santos.

Una nang nakakolekta nitong nakalipas na tatlong buwan ng mahigit 100 combat weapons ang mga Army battalions na sakop ng 603rd Infantry Brigade na nakadestino sa mga bayan sa Maguindanao del Norte at Sultan Kudarat, matapos na boluntaryong isinuko ng mga nagmamay-ari nito bilang suporta sa SALW Program.

Show comments