Tiyo kinatay na parang hayop, ginilitan ng pamangkin!

Sa ulat nitong Miyerkules ng Isabela City Police, huling nakitang buhay nitong Linggo ang biktimang si Meliton Hermosillia Baguio kasama ang pamangkin na si Merlito Baguio na nag-iinuman pa sa labas ng kanyang tahanan sa Barangay Kapatagan Grande ng naturang lungsod.
Pixabay

MANILA, Philippines — Mistulang kinatay na hayop, laslas ang leeg na halos mapahiwalay na ang ulo nang matagpuan ang isang 54-anyos na mister sa loob ng kanyang bahay na hinihinalang kagagawan ng sariling pamangkin sa Isabela City, Basilan nitong Lunes.

Sa ulat nitong Miyerkules ng Isabela City Police, huling nakitang buhay nitong Linggo ang biktimang si Meliton Hermosillia Baguio kasama ang pamangkin na si Merlito Baguio na nag-iinuman pa sa labas ng kanyang tahanan sa Barangay Kapatagan Grande ng naturang lungsod.

Pinaghahanap na ng mga kasapi ng Isabela City Police at Basilan Provincial Police Office ang pamangkin ni Baguio na itinuturing na suspek sa pagpatay sa biktima.

Ayon sa mga saksi, napansin nilang nagmamadaling nilisan ng suspect ang tahanan ng tiyuhing si Baguio nitong hapon ng Linggo, habang balisa ngunit hindi na nila pinuna dahil wala silang malay kung ano ang naganap sa kanilang pag-iinuman ng kanyang tiyuhin hanggang sa ma­diskubre ang karumal-dumal na krimen.

Nagtutulungan na ang barangay officials sa Kapatagan Grande at ang lokal na pulisya sa paghanap sa suspek na pinaniniwalaang nagtatago na sa isang liblib na lugar sa Isabela City, isa sa dalawang lungsod na sakop ng Basilan.

Show comments