MR ng ‘nuisance’ congressional aspirant sa Bulacan, ibinasura ng Comelec

MANILA, Philippines — Dahil sa kawalan ng merito, ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang inihaing motion for reconsideration (MR) ng isang congressional aspirant sa Bulacan na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon ng Comelec Second Division na nagdedeklara sa kanya bilang “nuisance” candidate.

Sa 6-pahinang desisyon, sinabi ng Comelec en banc na wala itong nakitang valid at legal na batayan para pagbigyan ang MR ng respondent na si Jad T. Racal na kandidato sa ika-anim na Distrito ng Bulacan, alinsunod sa Comelec Rules of Procedure.

“The arguments raised by respondent in his Motion were already thoroughly passed upon and incisively examined by the Commission (Second Division), saad sa En Banc resolution.

“Wherefore, premises considered, the Commission En Banc resolved, as it hereby resolves, to deny the motion for reconsideration. The resolution of the Commission (Second Division) dated 28 November 2024 is affirmed,” ayon pa sa Comelec.

Ang petisyon para ideklara bilang “nuisance candidate” si Racal ay inihain ni re-electionist Bulacan 6th district Rep. Salvador “Ador” Pleyto.

Sa kanyang certificate of candidacy (COC), sinabi ni Racal, 25, na siya ay isang negos­yante at ipinanganak sa Dasmariñas City, Cavite at kasalukuyang nani­nirahan sa MA Fernando, Brgy. Santa, Crus, Angat, Bulacan sa loob ng dalawang taon at dalawang buwan.

Gayunman, sa pagsisiyasat ng petitioner, natuklasan na si Racal ay hindi rin residente sa lahat ng nasabing barangay alinsunod sa census na isinagawa sa Brgy. Sta. Cruz, Angat, Bulacan na sumasaklaw sa taong 2023-2024 kung saan idineklara ng respondent bilang kanyang tirahan, at “walang bakas ng sinumang tao na may apel­yidong “Racal”, lalo na, si Jad T. Racal.”

Show comments