P6.63 milyong shabu nasamsam sa Bacolod City at Iloilo

Sa Bacolod, naaresto ang high-value suspect na si alyas Sal at nakumpiska sa kanya ang nasa 675 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.59 milyon sa isang buy-bust sa Barangay Sum-ag,dakong alas-5:41 ng umaga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P6.63 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug operations sa Bacolod City at Pavia, Iloilo nitong nakalipas na dalawang araw.

Sa Bacolod, naaresto ang high-value suspect na si alyas Sal at nakumpiska sa kanya ang nasa 675 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.59 milyon sa isang buy-bust sa Barangay Sum-ag,dakong alas-5:41 ng umaga.

Samantala, nasa 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.04 milyon ang nakumpiska sa bayan ng Pavia nitong Miyerkules ng alas-3:48 ng hapon sa Barangay Pagsangaan.

Kinilala ang naarestong suspek na sina alias Manong at alias Lyn, na residente ng  Iloilo City at Sibulan,Negros Oriental.Nakatakdang kasuhan ang mga naarestong suspek.

Show comments