Mag-asawa kinatay sa farm, anak sugatan

Dead-on-the-spot ang mag-asawa na nasa edad 50 at 56 habang inooserbahan sa ospital ang kanilang anak na dalaga.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinagtataga hanggang sa mapatay ang mag-asawa habang sugatan ang kanilang 18-anyos na anak ng hindi pa nakikilalang mga salarin malapit sa kanilang farm sa Sitio Binalbagan, Barangay Masulog, La Castellana, Negros Occidental noong Huwebes.

Dead-on-the-spot ang mag-asawa na nasa edad 50 at 56 habang inooserbahan sa ospital ang kanilang anak na dalaga.

Ayon kay La Castellana Police chief, PMaj Rhojn Darell Nigos, patungo sa kanilang sakahan ang mga biktima nang harangin sila ng apat na suspek na armado ng bolo at agad na pinagtataga.

Nang duguang bu­magsak ang mga biktima ay agad nagsitakas ang mga suspek at naiwan ang bolo na ginamit sa pananaga.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang posibleng alitan sa pagsasaka bilang posibleng motibo sa nangyaring krimen.

Nabatid na mayroon nang mga “persons of interest” ang awtoridad sa insidente at naghahanap na lamang  sila ng karagdagang mga ebidensya para maaresto ang mga salarin.

Show comments