Dinukot na American vlogger pinaniniwalaan ng pulisya na patay na

MANILA, Philippines — Kahit hindi pa natatagpuan ang katawan matapos ang pagdukot sa kaniya sa Zamboanga del Norte ay pinaniniwalaan ng pulisya na patay na ang US vlogger na si Elliot Eastman.

Sinabi kahapon ni Police Regional Office (PRO) 9 Acting Spokesperson Lt. Col. Ramoncelio Sawan, umamin ang isa sa mga suspek na patay na si Eastman at tinapon sa dagat.

Binawian umano ng buhay ang biktima sa gabi ng pagdukot dahil sa tama ng bala sa binti.

Samantala, hindi pa rin nahahanap ang katawan ni Eastman sa kabila ng pagsuyod sa lugar kung saan umano siya itinapon at patuloy ring tumatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa insidente, dagdag ni Sawan.

Show comments