PN chopper nag-crash: 5 sugatan

MANILA, Philippines — Lima ang nasugatan kabilang ang dalawang piloto matapos na aksidenteng mag-crash ang isang helicopter ng Philippine Navy sa nangyaring insidente sa Sangley Aerodrome sa Cavite City kahapon ng umaga.

Kinumpirma ni CDR. Percie Alcos, Spokesman ng Philippine Navy na kabilang sa mga nasugatan ay dalawang piloto, isa rito ay test pilot at tatlong crew.

Sa ulat, alas-10:18 ng umaga nang ­mangyari ang sakuna habang nagsasagawa ng training at maintenance flight ang Naval Augusta helicopter NH432 sa Sangley Aerodrome sa Sangley, Cavite.

“Emergency ­response teams, including fire and medical personnel, were immediately deployed to the scene”, ayon kay Alcos.

“No fatalities were reported, and all personnel onboard, though with minor injuries, were conscious and safely transported to the 15th Strike Wing Hospital for medical evaluation”, ani Alcos.

Sinabi ni Alcos na kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon upang madetermina ang sanhi ng insidente.

Pansamantalang grounded muna ang Augusta aircraft habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kasong ito. — Ed Amoroso

Show comments