COTABATO CITY, Philippines — Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit(Cafgu) nang na tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Panubigan, kamakalawa ng hapon.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng mga opisyal ng Zamboanga City Police Office at ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, kinilala ang nasawing biktima na si Jose Jay Dagalea na nakadestino sa isang detachment sa Barangay Panubigan.
Sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo si Dagalea at kanyang misis na si Rubylin nang sila ay paputukan ng mga lalaking nakaabang sa kanila sa isang bahagi ng highway sa Barangay Panubigan mabilis.