Election officer sa Sultan Kudarat, itinumba!

Sa mga hiwalay na ulat ng Sultan Kudarat Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12, sakay ng kanyang motorsiklo si John Nico Allan Pandoy nang paputukan ng mga armado sa isang bahagi ng highway sa Purok Sampaguita sa Barangay Poblacion ng President Quirino.

COTABATO CITY, Philippines — Patay agad sa mga tama ng bala ang assistant municipal election officer ng Isulan sa Sultan Kudarat sa Region 12 nang tambangan ng mga armadong motorista sa sentro ng President Quirino sa naturang probinsya nitong Sabado.

Sa mga hiwalay na ulat ng Sultan Kudarat Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12, sakay ng kanyang motorsiklo si John Nico Allan Pandoy nang paputukan ng mga armado sa isang bahagi ng highway sa Purok Sampaguita sa Barangay Poblacion ng President Quirino.

Mabilis na nakatakas ang mga pumatay kay Pandoy gamit ang isang getaway vehicle, ayon sa ulat ng President Quirino Municipal Police Station.

Agad kinondena ng mga local officials sa Sultan Kudarat at ng mga kawani ng Commission on Elections (Comelec) sa probinsya ang pagpatay kay Andoy.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng lokal na pulisya kung sino ang mga pumatay kay Pandoy at kung ano ang kanilang motibo sa pagsagawa ng naturang krimen.

Show comments