Aerial inspection sa mga lugar na sinalanta ni ‘Pepito’ sa Quezon

POLILLO, Quezon, Philippines — Nagsagawa ng aerial inspection ang Office of the Civil Defense (OCD)-Calabarzon kasama ang AFP-Southern Luzon Command at pamahalaang lalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Dra. ­Helen Tan sa Polillo Island kahapon, Nobyembre 18 upang alamin ang mga naging pinsala ng Super Typhoon Pepito sa isla.

Layunin ng inspeks­yon na matukoy ang na­ging epekto ng bagyo sa probinsya at masusing mailatag ang kaukulang aksyon bilang pagtugon sa mga komunidad na naapektuhan nito.

Binisita rin ng mga opisyal at kinumusta ang kasalukuyang sitwasyon ng mga residente sa bayan at naghatid ng kaukulang tulong para sa mga residente.

Minabuti ni Governor Doktora Helen Tan na bisitahin kahapon ang islang bayan ng Jomalig na isa sa hinagupit ng bagyong Pepito at sumailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal 5 at inalam nito ang kasalukuyang sitwasyon ng mga residente sa nasabing isla, at sinigurong maghahatid sila ng tulong.

Show comments