Garbin iprinoklamang mayor sa Legazpi City

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kasama ang asawa, mga anak at malalapit na kaibigang sumaksi, tuluyan nang naiproklama bilang siyang nanalong alkalde ng Legazpi City, Albay sa nakaraang Mayo 9, 2022 mayoralty election si Ako Bicol executive director Atty. Alfredo Garbin Jr., sa harap ng binuong Special City Board of Election Canvassers (SCBOC) na ginawa sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Manila kahapon ng umaga.

Prinoklama si Atty. Garbin matapos mag-convene ang SCBOC sa pa­ngunguna ng chairperson na si Atty. Genesis Gatdula, vice-chairperson Atty. Rex Laudiangco, Director Ester Villaflor-Roxas, at dalawang supporting staff.

Si Garbin ang idineklara ng Comelec na nanalo sa halalan bilang pangalawa sa may nakuhang mataas na boto makaraang idiskuwalipika ng Comelec En banc bilang kandidato sa pagka-alkalde si Carmen Geraldine Rosal dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code.

Base sa certificate of canvass, si Garbin ay nakakuha ng botong 57,137 habang 326 na boto naman ang nakuha ng kanyang kalabang si Jessie Atutubo.

Base sa certificate of canvass si Garbin ay nakakuha ng botong 57,137 habang 57,687 na boto naman ang nakuha ng kanyang kalabang si Rosal. Gayunman, sinampahan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code si Rosal ng isang Joseph San Juan Almoguila nang mamigay ng tig-2-libong pisong ayuda sa mga tricycle driver at senior citizens na pasok na sa election period o ilang araw bago ang halalan at hininging idiskuwalipika ang kandidatura nito.

Nagsampa naman ng motion for intervention si Garbin sa Comelec para siya ang maupong alkalde bilang 2nd placer sa halalan.

Sa pagkakadiskwalipika ni Rosal, winalang bahala na rin ng Comelec ang kanyang nakuhang boto.

Show comments