8-buwan sa sinapupunan todas sa ligaw na bala ng ama

Gayunman, aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang tiyan ng kaniyang 34-anyos na live-in partner na 8-buwang buntis.
FILE

MANILA, Philippines — Patay ang 8-buwang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng isang ina nang aksidenteng mabaril ng 35-anyos na ­kinakasama nitong Sabado sa Cadiz City, Negros Occidental.

Batay sa report kay PLt. Col. John Joel Batusbatusan, hepe Cadiz City Police Station, nagtungo umano ang suspek sa bahay ng kaibigan kasama ang live-in partner sa Purok Zone 4, Brgy. VF Gustilo, upang ipakita ang kaniyang .38 revolver na may mga bala.

Gayunman, aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang tiyan ng kaniyang 34-anyos na live-in partner na 8-buwang buntis.

Agad isinugod sa ospital ang ginang pero hindi na naisalba pa ang buhay ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek at hindi na kakasuhan matapos na humingi ng tawad sa kinakasama. Gayunman, sinampahan ng pulisya ang mister ng illegal possession of firearm and ammunition.

Show comments