Kagawad, bookkeeper niratrat, kritikal

COTABATO CITY, Philippines — Parehong malubhang nasugatan ang isang kagawad at isang barangay bookkeeper sa walang habas na pamamaril sa isang lugar dito sa lungsod nitong gabi ng Sabado.

Nagpapalipas oras sa loob ng isang tindahan sa Virgo Subdivision sa Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City sina Jordan Kalipa, 47, kagawad ng naturang barangay, at ang bookkeeper ng kanilang barangay office na si Virlie Joy Quijano, 33-anyos, nang lapitan ng mga armadong lalaki at pinagbabaril.

Sa inisyal na ulat nitong Linggo ng Cotabato City Police Office at ng tanggapan ng Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, mabilis na nakatakas ang mga bumaril kay Kalipa at Quijano na agad namang nadala sa hospital ng mga barangay emergency responders at mga pulis na nag­responde sa insidente.

Ayon kay Macapaz, nagtutulungan ang mga barangay officials sa Rosary Heights 9 at mga imbestigador ng city police force sa pagkilala sa mga responsable sa pamama­ril kay Kalipa at Quijano upang agad na masampahan ng kaukulang mga kaso.

Show comments