MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang naiulat sa magkahiwalay na insidente nang pagkalunod sa ilog ng bayan ng Paombong, Bulacan.
Sa report ng Calumpit rescue, natagpuang palutang-lutang ang alsadong bangkay nitong umaga ng Martes, Oktubre 29 sa ilog na sakop ng Brgy. San Isidro, Paombong ang bangkay ng isang lalaking nasa edad 25 hanggang 30, may taas na 5’4”- 5’6”, may katamtamang katawan, nakasuot ng itim na short at t-shirt.
Sinasabing bandang 12:50 ng tanghali nitong Linggo ay may napaulat na isang lalaki ang nalunod sa Brgy. Gatbuca, Calumpit.
Ang ikalawang insidente ay naganap sa ilog ng Brgy.Atlag, Malolos na kung saan isang lalaking grade 8, student ang nagtampisaw hanggang sa malunod at mamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa dalawang insidente ng pagkalunod sa nasabing ilog.