Lalaki bulagta sa kabarilan sa Rizal

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki at naaresto ang nakaalitan nito matapos silang magbarilan, sa Barangay mayamot, Antipolo, Rizal, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Daniel Saludar Sta. Ana na nagtamo ng tama ng bala sa itaas ng kanang dibdib at sa kaliwang tuhod.

Arestado naman ang suspek na si alyas “Juan” na nakumpiskahan ng kalibre .40 (Glock 23 Gen 4) na may serial number ADNU072.

Sa ulat ng Antipolo Component City Police, alas-12:40 ng hapon ng Oktubre 25, 2024, nang makitang nagtatalo ang biktima at suspek hanggang sa magbarilan, sa Resorts St., Summerville Subdivision, Brgy. Mayamot.

Minalas na naunahan ang biktima kaya ang suspek ay walang tinamong tama.

Dinala ang biktima ng rumespondeng mga pulis sa Rizal Provincial Hospital Annex IV, Brgy. Mambugan, Antipolo pero idineklarang dead-on-arrival.

Sa pagtakas ng suspek, inabutan siya ng iba pang tauhan ng Police Community Precinct 1 ng Antipolo CCPS sa bahagi ng Marcos Highway, kung saan malapit ang himpilan ng pulisya.

Show comments