Mangingisda sa lumubog na bangka, natagpuang patay

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Natagpuan na ang bangkay ng mangi­ngisdang nawala matapos lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa dalampasigan ng Brgy. Binuangan, Obando.

Ayon sa report, natagpuan ang bangkay ng mangingisdang si Jerry Lacaña nitong tanghali ng Biyernes sa ilog sakop ng Brgy. Salambao.

Ang biktima ay kasamahan ng siyam na mangingisdang nasagip nitong Huwebes ng mga awtoridad nang lumubog ang kanilang bangka nitong Miyerkules ng gabi sa kasagsagan ng bagyong Kristine.

Sinasabing matapos ang isinagawang retrieval operation ng mga awtoridad ay positibong kinilala naman ang bangkay ng kanyang live-in partner.

Show comments