4 bayan sa Quezon nasa state of calamity

An aerial view shows a coast guard rescue boat evacuating residents to safer gounds in Polangui town, Albay province South of Manila on October 23, 2024. Torrential rains driven by the storm have turned streets into rivers, submerged entire villages and buried some vehicles up to their door handles in volcanic sediment knocked loose by the downpour.
AFP/Charism Sayat

LUCENA CITY, Philippines — Apat na bayan sa lalawigan ng Quezon ang isinailalim sa state of cala­mity dahil sa matinding pinsala na iniwan ng bagyong Kristine.

Ang mga bayang ito ay Tagkawayan, Mulanay, General Luna, at Lucban.

Kaugnay nito, magagamit ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang calamity funds o quick response na panggagalingan ng mga tulong na ipamamahagi sa mga apektadong residente.

Tinatayang nasa 27,230 pamilya o 104,278 indibiduwal na naapektuhan ng bagyo ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation cen­ters ayon sa Quezon Provincial Disaster Reduction and Management Office (PDRRMO).

Patuloy ang paghahatid sa kanila ng mga relief goods ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon at Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Samantala, natagpuan na kamakalawa sa lalawigan ng Camarines Sur ang mangingisdang mula sa Buenavista, Quezon na napaulat na nawawala sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong “Kristine”.

Base sa ulat, alas 10:55 ng umaga ng Huwebes nang mamataan si Ka Felix ng mga residente sa baybay dagat na sakop ng Barangay Hamoraon, Minalabac, Camarines Sur.

Ayon sa 42-anyos na mangingisda na taga-Barangay Manlana, Buenavista, hindi naman siya naabutan ng bagyo sa laot.

Samantala, iniulat ni Governor Dra. Helen Tan na dahil sa unti-unting pagbaba ng lebel ng tubig sa National Highway na sakop ng Canda viaduct sa Lopez, Quezon ay pinapayagan ng padaanin ang mga sasakyan lalo na ang mga may kargang mga relief goods na nagtutungo sa Bicol Region.

Show comments