Dalagita, patay na nalambat sa dagat

CAVITE, Philippines — Isang katawan ng ‘di pa nakikilalang dalagita ang natagpuang palutang-lutang sa baybaying dagat ng Cavite City, kamakalawa ng gabi.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang biktima na tinatayang nasa edad na 13-16 anyos.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:30 ng gabi nang matagpuan ng isang mangingisda ang palutang-lutang na katawan ng biktima sa baybaying dagat sakop ng Brgy. 48-A lungsod ng Cavite.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima. Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa maaaring pagkakilanlan ng biktima at sanhi ng pagkamatay nito.

Malaki ang posibilidad na nalunod ang biktima at tinangay na lamang ng malakas na alon ng dagat sa kinatagpuang lugar.

Show comments