4 HVI huli sa higit P1.4 milyong droga sa Cavite

CAVITE, Philippines — Sampung bloke ng marijuana na aabot sa halagang P1.2 milyon at shabu na nasa P238,000 ang nakumpiska ng mga awtoridad sa apat na naares­tong high value individuals (HVIs), kamakalawa ng hapon sa inilatag na dalawang drug operation sa Brgy. San Gabriel, GMA at Dasmariñas City. 

Arestado ang apat suspek na kinilala sa mga alyas na Jamil at Johnrey ng Brgy San Gabriel GMA Cavite at alyas Christopher at JR, kapwa ng Brgy Victoria Reyes, Dasmariñas City.

Unang drug operation ay inilatag dakong alas-2:55 ng hapon ng pinagsanib na puwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 4A (RPDEU), Ca­vite Provincial Intelligence Unit , PDEA Regional Office at GMA Police, sa isang parking lot ng Puregold sakop ng Brgy San Gabriel.

Narekober dito ang 10 bulto ng transparent plastic na selyado at naglalaman ng mga marijuana na may timbang na 10,000 grams at aabot sa halagang P1,200,000.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang ginamit na 3 bundles boodle ­money, cellpone at isang bag kung saan nakalagay ang mga marijuana at dalawang ID.

Kasunod nito, dakong alas-2:40 ng hapon ng ikasa ng PDEA Cavite PPO, PDEA-Cavite, at Dasmariñas Police ang isang buy-bust target sa mga suspek na sina alyas JR at Christoper.

Narekober sa mga suspek ang 9 na selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na may timbang na mahigit sa 35 gramo at aabot sa halagang P238,000.

Show comments