65-anyos pensionada sinupot sa ulo ng manugang, patay!

Satellite image ng Trece Martires, Cavite mula sa kalawakan.

CAVITE, Philippines — Nakasupot ang ulo at nakagapos ang mga kamay nang matagpuan ng anak nito ang 65-anyos na pensioner at nagpapautang sa bahay ng manugang nito na siya ring lumalabas na suspek sa pagpatay, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Aguado Trece Martires City.

Kinilala ang biktima na si Daisy Rafael, money lender at residente ng Brgy. Aguado Trece Martires City, Cavite.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na kinilala sa alyas “Kian”, 37-anyos, residente ng nasabi ring barangay.

Batay sa ulat ng pulisya, alas-8 ng gabi nang matagpuan ng anak nitong babae na si Ludy Sadie ang kaniyang ina sa bahay ng suspek na nakahandusay at may plastic bag ang ulo na mahigpit ang pagkakatali sa leeg at nakagapos din ang mga kamay nito sa kaniyang likuran.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng follow-up ang pulisya at tinutugis na rin ang tumakas na suspek.

Pera ang tinitingnang anggulo ng pulisya hinggil sa krimen.

Show comments