Rider sumalpok sa kalabaw, tepok

MANILA, Philippines — Isang motorcycle ­rider ang nasawi matapos sumalpok sa tumawid na kalabaw nang maputol ang tali nito, kamakalawa sa bayan ng Amulung,Cagayan.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Jonnel Villar, 22, at residente ng Barangay Upang, Alcala.

Batay sa report ng Amulung Municipal Police Station, alas-11:00 ng gabi ng Miyerkules naganap ang insidente sa panulukan ng Amulung at Alcala.

Dahil may kadiliman ang bahagi ng kalsada, hindi napansin ng biktima ang tumawid na dalawang kalabaw dahilan para mabangga ito.

Sa lakas ng pagbagsak ng biktima sa sementadong kalsada nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Isinugod naman sa ospital ng mga rumes­pondeng otoridad ang biktima para lapatan ng lunas subalit, idineklarang dead on arrival.

Show comments