Truck vs van: 2 dedo, 4 sugatan

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng dalawang pasahero ng van matapos sumalpok sa kasalubong na wing van truck na ikinasugat ng apat pang katao sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Zone-3, Brgy. Agos, Polangui, ng lalawigang ito, kamakalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Mary Jadehi at nalagutan naman ng hininga habang nilalapatan ng lunas ang kapwa pasahero na si Nilo, isang minor; pawang residente ng Sorsogon.

Sugatan naman ang dalawa pang pasahero at ang kapwa driver ng van at trak.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga mabilis na binabagtas ang highway ng L-300 Van (NIL-7985) na minamaneho ng isang “Jepoy”, 42, sakay ang apat na pasahero. Gayunman, pagdating sa lugar ay nag-overtake ito sa sinusundang sasakyan kaya naokupa nito ang linya ng kasalubong na Isuzu Forward Wing Van (NGS-5450) na minamaneho ni Wally, 28-anyos.

Dito na nagkabanggaan, kaya sa lakas ng impact, nawasak ang van at ang unahang bahagi ng trak. 

Show comments