2 bisita inutas sa Maguindanao

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang dayo mula General Santos City ang patay matapos pagbabarilin sa loob ng isang bakuran sa Barangay Makir sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Linggo.

Bisita lang diumano Ng Isang pamilya sa Brgy. Makir ang dalawang nasawi na kinilalang sina Kandatu Luna at Bryan Modih.

Sa pahayag nitong Lunes ni Lt. Col. Roy Subsuban, hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, ang mga biktima ay may dalang mga nakapaketeng shabu kaya may paniwala ang mga imbestigador at mga barangay officials sa Makir na may kinalaman sa ipinagbabawal na droga ang pagkakapatay sa kanila.

Mabilis na nakatakas ang mga pumatay kina Luna at Modih na inaalam pa ng mga imbestigador ang kanilang pagkaka­kilanlan at kung ano ang tunay nilang motibo sa pagpatay sa dalawa.

Show comments