Binatilyo nilamon ng ilog sa Bulacan

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —  Nagtulung-tulong na ang mga awtoridad para makita ang 15-anyos na binatilyong nawawala nitong Lunes matapos malunod sa ilog sa Brgy. Frances,  Calumpit.

Ayon sa Facebook post ng kapatid ng biktimang si Cyrez Dela Cruz Malvas na si Shella Marie, humihingi siya ng tulong sa kinauukulan na sana ay huwag magsawang maghanap sa katawan nito.

Dahil dito, hindi pa tumitigil ang Calumpit MDRRMO rescue sa pag­hahanap sa binatilyong nawawala.

Nalamang makakatuwang na rin ng Calumpit rescue team ang Bulacan, Malolos at Pulilan rescue team sa patuloy na paghahanap sa biktimang apat na araw nang nilamon ng ilog.

Humihingi ng taimtim na panalangin ang mga kaanak at mga kakilala para matagpuan na ang binatilyo.

Show comments