4 ‘drug dealers’ huli sa P792K shabu sa Davao

COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska ng mga pulis ang nasa P792,000 halaga ng shabu sa apat na hinihinalang drug ­dealers na na-entrap sa isang lugar sa Agdao, Davao City nitong gabi ng Miyerkules.

Sa hiwalay na ulat ng Davao City Police at Police Regional Office-11, nakakulong na ang apat na suspek na nalambat sa isang lugar sa Agdao ng magkasanib na mga operatiba ng Sta. Ana Police Station at mga anti-narcotics agents.

Agad na inaresto ang mga suspect matapos magbenta ng P792,000 na halaga ng shabu sa mga hindi unipormadong pulis na nagpanggap na mga sugapa sa illegal na droga.

Nahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments