Rider niratrat habang nakatalikod, tigok

Sa ulat ng Cainta Municipal Police, patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng biktima na nagmaneho ng isang Suzuko motorcycle na walang plaka.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang motorcycle rider matapos na magtamo ng isang tama ng bala sa ulo at dalawa sa katawan nang pagbabarilin ng de-motorsiklong salarin, sa Cainta, Rizal, kamakalawa.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police, patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng biktima na nagmaneho ng isang Suzuko motorcycle na walang plaka.

Alas-3:30 ng madaling araw ng Set­yembre 24 nang maganap ang insidente ng pamamaril sa West Bank Road, sa harapan ng Alley 90 Lakas Tao, Barangay San Andres, Cainta.

Habang tila may hinihintay ang biktima na nakaistambay sa kaniyang motorsiklo nang biglang lumutang ang suspek na sakay rin ng ‘di pa tukoy na uri ng motorsiklo.

Binaril ng suspek ang biktimang nakatalikod na nagtamo ng bala sa likod ng ulo at katawan saka tumakas sa direksyon ng Pasig City dala ang ginamit na baril.

Show comments