Opisina sa Iloilo LGU nilooban, 5 minor na kawatan arestado

Sa report ng Iloilo City Police Office (ICPO), ang limang suspek ay kinabibilangan ng isang 15-anyos, isang 13-anyos, isang 11-anyos at dalawang 9-taong gulang lamang.
PNA file photo by Gail Momblan

MANILA, Philippines — Kalaboso ang limang menor-de-edad na kawatan matapos nilang pasukin at pagnakawan ang tanggapan ng Public Order and Safety Mana­gement Office ng pamahalaang lungsod ng Iloilo.

Sa report ng Iloilo City Police Office (ICPO), ang limang suspek ay kinabibilangan ng isang 15-anyos, isang 13-anyos, isang 11-anyos at dalawang 9-taong gulang lamang.

Nai-report lamang ang insidente sa pagpasok ng mga empleyado nitong Lunes.

Nakita rin sa kuha ng CCTV ang ginawang pagnanakaw ng mga batang suspek.

Agad namang ­naaresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang mga suspek na itinurn-over na sa Iloilo City Social Welfare and Development Office.

Show comments