3 ‘tulak’ na may de-sabog, huli sa P156K shabu

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng droga na armado pa ng baril sa magkahiwalay na buy-operations sa lalawigang ito.

Sa report na nakarating kay PCol. Satur Ediong, Officer-in-Charge ng Bulacan Police, nahulihan ng shabu na nasa P136,000 ang halaga ng dalawang naarestong suspek sa mga alyas na “Nard” at “John” sa buy-bust operation alas-12:30 ng madaling araw nitong Setyembre 25 sa Brgy. Tungkong Mangga, sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong sachet na pinaghihinalaang shabu na nasa 20 grams na may halagang P136,000, isang improvised shotgun (sumpak), isang bala at buy-bust money.

Samantala, huli rin sa kaparehong operasyon si J-Mar Monis, 26, binata, jobless ng Brgy. San Martin 3, bandang alas-2:30 ng madaling araw nitong Setyembre 24 matapos mahulihan ng 3-gramo na pinaghihinalaang shabu na may halagang P20, 400, at sumpak na kargado ng bala.

Show comments