Rider at angkas sumalpok sa backhoe, todas

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider at angkas nito matapos na bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang nakaparadang backhoe sa Alilem Bakun Road sa Sitio Macdaar, Brgy. Alilem Daya, Alilem, Ilocos Sur, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Alilem Municipal Police Station ang rider ng kulay itim na Rusi 150 na si Gabriel Pias y Orael, 18, at ang angkas nito na si Banz Balang y Cayat, 23, kapwa residente ng Brgy. Amilongan ng naturang bayan.

Sa ulat,bandang  alas-12:30 ng mada­ling-araw ay mabilis ang takbo ng motorsiklo at papunta ng silangang direksyon sa nang biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumangga sa nakaparadang backhoe sa opposite lane na under construction.

Ang rider at angkas nito ay parehong nagtamo ng head injury at sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan na dinala sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Show comments