2 motorcycle rider todas sa salpukan

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Leobert Ilar Noriel, 24, ng Brgy.Cabulalaan, Sinait, Ilocos Sur, driver ng Sym Bonus motorcycle; at ang driver ng Yamaha Sniper na si Edmund Alarde Villapaz, 31, ng Nueva Segovia, residente ng Bayubay Sur, San Vicente, Ilocos Sur
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang motorcycle rider nang sila ay magbanggaan sa kalsada sa natio­nal highway sa Brgy. Jordan, Sinait, Ilocos Sur, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Leobert Ilar Noriel, 24, ng Brgy.Cabulalaan, Sinait, Ilocos Sur, driver ng Sym Bonus motorcycle; at ang driver ng Yamaha Sniper na si Edmund Alarde Villapaz, 31, ng Nueva Segovia, residente ng Bayubay Sur, San Vicente, Ilocos Sur

Sa ulat, patungo sa hilagang direksyon ang Sym Bonus motorcycle at ang Nissan Urvan na minamaneho ni Jerome Paez Sanchez, 37, ng Brgy. Mayamot, Antipolo, Rizal,

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay nag-overtake ang Sym Bonus motorcycle sa Nissan Urvan na eksakto naman sa pagdating ng Yamaha Sniper ni Villapaz na papunta ng kabilang direksyon kaya nagkasalubong at nagbangga ang dalawang motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang dri­ver ng Yamaha Sniper at aksidenteng nabangga ng Nissan Urvan.

Parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang dalawang rider ng motorsiklo.

Agad na isinugod sa Corpuz Clinic Hospital si Noriel, ngunit idineklarang-dead-on arrival habang si Villapaz ay isinugod naman sa Sto. Cristo Milagroso Hospital ngunit idineklarang din na dead-on-arrival.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Nissan Urvan na si Sanchez.

Show comments