Rider natangayan ng P100K at motor ng ‘bangga hold up’ modus

MANILA, Philippines — Nabiktima ng modus na ‘Bangga-Hold up ang isang rider at natangayan ito ng pera na mahigit kumulang sa P100K at kanyang motor nito ng riding-in-tandem suspect, kamakalawa sa Santol-Bunga Road, Brgy. Santol, Tanza, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:00 ng umaga habang binabagtas ng biktimang si alias Mark ang nasabing lugar sakay ng kaniyang Yamaha sight motorcycle na may plate no. DGR 518 nang gitgitin at banggain ito ng 2 suspek na magkangkas sa isang motor na Honda Click.

Kapwa tumigil ang mga ito at dito na agad tinutukan ng mga suspek ang biktima at tinangay ang dalang bag nito na naglalaman ng perang mahigit kumulang sa P100K at tinangay din ang motor ng biktima at mabilis na tumakas.

Kapwa nakasuot ng jacket ang mga suspek na naka helmet at tinatayang mga nasa edad na 35-45.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente.

Show comments