2 patay sa road mishap sa Cavite

Kapwa hindi na naisalba pa ang buhay ng dalawang biktima na kinilala sa alyas na “Jemel” at “Jhem”, kapwa nasa hustong gulang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawa katao na sakay ng isang motorsiklo makaraang masabitan ito ng kasunod na motorsiklo habang mga bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Barangay Biga 1, Silang, Cavite.

Kapwa hindi na naisalba pa ang buhay ng dalawang biktima na kinilala sa alyas na “Jemel” at “Jhem”, kapwa nasa hustong gulang.

Hawak naman ng pulisya ang kabanggaang rider na kinilala sa alyas na Armingol, na nahaharap sa kasong reckless Imprudence resulting in double homicide. 

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi habang magkaangkas ang mga biktima sa motorsiklo at bumabagtas sa nasabing lugar patungong north direction nang salpukin ng isa pang motorsiklo na nakasunod sa kanila na minamaneho naman ni alyas Armingol.

May kabilisan diumano ang patakbo nang ma­sagi nito ang motorsiklo ng mga biktima dahilan upang mawalan ng giya at tuluyang sumemplang.

Kapwa sumadsad ang mga biktima sa daan at napuruhan sa ulo.

Naitakbo pa sa Estrella Hospital ang mga biktima subalit hindi na sila naisalba pa ng mga doktor.

Show comments