Mister nasapol ng kidlat sa puno ng niyog, tepok

PEREZ, Quezon, Philippines — Patay ang isang magsasaka makaraang tamaan ng kidlat habang nasa ilalim ng puno ng niyog sa Barangay Mainit Norte sa bayang ito, kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jose Manago, 59, may-asawa at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, pansamantalang sumilong sa ilalim ng isang puno ng niyog ang biktima dahil sa malakas na buhos ng ulan dakong alas-3:00 ng hapon.  

Maya-maya ay kumidlat ng matalim at biglang tumama sa kinaroroonan ng biktima na naging sanhi upang siya ay masapol at agad malagutan ng hininga.

Show comments