5 nasawi sa leptospirosis sa Bulacan

The Bulacan Provincial Health Office-Public Health said on August 14, 2024)
PNA file photo by Joan Bondoc

MANILA, Philippines — Limang katao sa lalawigan ng Bulacan ang naiulat na namatay sa leptospirosis.

Dalawa sa limang nasawi ay nagmula sa Lungsod ng San Jose del Monte, ang isa naman mula sa mga bayan ng Balagtas, Calumpit, at Obando.

Ayon sa advisory ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH), mula Enero 1 hanggang Agosto 10 ng taong ito, 58 na hinihinalang kaso ng leptospirosis ang naiulat sa buong lalawigan.

Kaya naman ay pinag-iingat ni Gobernador Daniel Fernando ang mga Bulakenyo laban sa leptospirosis na bagaman at 3% na mababa ang mga kaso kumpara sa tala sa parehong pa­nahon noong nakaraang taon, pinaalalahanan pa rin ng gobernador ang mga Bulakenyo na maging mas maingat lalo na ngayon na lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan ay naapektuhan ng pagbaha na dulot ng Bagyong Carina na pinalakas ng hanging habagat.

Samantala, nakapagpamahagi ang PHO-PH ng kabuuang 57,000 capsule o 570 boxes ng Doxycycline sa mga lungsod, bayan, at pampublikong ospital bilang prebensiyon sa leptospirosis.

Kabilang sa mga sintomas ng leptospirosis ang lagnat, pananakit ng katawan at ulo, pananakit ng binti, pamumula ng mata, at sa malalang kaso, maaaring madilaw, umitim, at konti ang ihi.

Show comments