Dyowa binoga sa mukha ng nobyong parak, utas

Base sa imbestigasyon, nangyari ang krimen habang nag-iinuman ang magkarelasyon at nagkaroon ng pagtatalo dulot ng selos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang dalaga matapos na barilin sa mukha ng kanyang nobyong parak habang nag-iinuman sila sa Davao City,

Base sa imbestigasyon, nangyari ang krimen habang nag-iinuman ang magkarelasyon at nagkaroon ng pagtatalo dulot ng selos.

Kinuha umano ng suspek na isang Patrolman na miyembro ng Mandug Police Station ang kanyang baril at binaril sa mukha ang biktima.

“Noong una, nag-inuman sila. Palagay natin na parang okay pa. Pero noong under the influence na sila ng alak, doon na nagtalo at doon narinig ng witness na may pagseselos at pagtatalo,” ani Davao City Police Office spokesperson Police Captain Hazel Tuazon.

Narekober ng mga otoridad ang isang basyo ng baril at bala.Agad namang sumuko sa pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

Show comments