Pulis salpok ang sasakyan sa puno, tepok

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi matapos bumangga ang sinasakyan nito sa isang puno sa Brgy. Potong del Sur, Lapinig, Northern Samar noong Miyerkules.

Hindi pinangalanan ang nasawing pulis na nakatalaga sa Lapinig Municipal Police Station at residente ng Brgy. Asum, Palapag, Northern Samar.

Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang biktima sa kaniyang sasak­yan patungo sa Brgy. Alangalang sa Lapinig para i-monitor ang aktibidad ng New People’s Army (NPA).

Tumama sa puno ng niyog ang biktima at dinala pa sa Gamay Gamay District Hospital sa Gamay, Northern Samar kung saan idineklara itong patay dahil sa malubhang pinsala.

Show comments