Mag-asawa na sakay ng motorsiklo, patay sa pamamaril

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang nasawi matapos silang pagbabarilin habang nakasakay sa motorsiklo sa naganap na ambush sa Zamboanga City.

Sa ulat kahapon, sinabing papauwi na ang mag-asawa na hindi pinangalanan nang tambangan sila ng salarin at pagbabarilin sa Barangay Buenavista.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga salarin, at tinitingnan ang anggulong rido o away-pamilya bilang motibo sa krimen.

Show comments