Nawawalang bangkay ng fishing boat crew, lumutang

MANILA, Philippines — Nakuha na ang bangkay ng isang crew ng fishing boat na iniulat na nawawala sa Neg­ros Occidental noong Agosto 3 matapos ang tatlong araw sa dagat ng Brgy. Guiwanon, Bantayan Island, Cebu noong Martes.

Kinumpirma ng pinuno ng Philippine Coast Guard (PCG)-northern Negros Occidental ang pagkamatay ng 24 taong gulang na si Leodigario Brosas ng Brgy. 6-A, Victorias City, Negros Occidental.

Natagpuan ng mga mangingisda ang bangkay ni Brosas at itinurn-over sa Disaster Risk Reduction and Mana­gement Office sa Bantayan.

Huling nakitang buhay si Brosas na natutulog sa likuran ng isang bangka matapos ang pangingisda.

  

Show comments