P5 milyong droga samsam, 153 timbog sa Central Luzon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —  Nasa P5,339,766.52 na halaga ng iligal na droga ang nasamsam habang 153 indibiduwal ang nahuli sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Central Luzon (CL).

Sa report ni PRO3 Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, ikinasa ang kabuuang 111 operasyon ng pulisya na nakahuli ng 153 indibiduwal nitong Hulyo 29 hanggang Agosto 4, taong kasalukuyan.

Ayon kay Hidalgo, aabot sa  646.35 grams ng shabu at 7,871.59 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng kabuuang P5,339,766.52.ang nakumpiska ng pulisya sa naturang rehiyon.

Show comments