P1 bilyon law suit vs may-ari ng MT Terra Nova, ikinakasa

Greenpeace Philippines on July 28, 2024, reported that the oil spill from the tanker Terra Nova that sank off the coast of Bataan has now reached the waters of Hagonoy, Bulacan, approximately four kilometers from the coastline.
Facebook / Greenpeace Philippines

MANILA, Philippines — Nasa P1-bilyong law suit ang ikinakasa laban sa may-ari ng lumubog na oil tanker MT Terra Nova sa Bataan na nagbunsod ng malawakang oil spill kabilang karagatang sakop ng Cavite.

“Kakasuhan natin ang mga may-ari ng barko para lahat ng apektado ng oil spill ay magkaroon ng proper compensation,” mariing payahag kahapon ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa harapan ng mahigit 1,612 na indibiduwal sa bayan ng Noveleta na nakatanggap ng paunang relief goods mula sa opisina ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) bilang ayuda para sa mga naapektuhan ng oil spill.

Giit ni Remulla, may “criminal liability” ang mga may-ari ng barko kaya nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Coast Guard upang maihanda ang kasong isasampa nila dahil sa oil spill mula sa lumubog na oil tanker Terra Nova sa Limay, Bataan na umabot na sa karagatang sakop ng Cavite.

Sa kabuuan, aabot sa 352,179 ang apektadong populasyon sa lahat ng coastal barangays sa lalawigan ng Cavite dahil sa oil spill, at nasa 25,145 mangingisda ang apektado rito.

Show comments