MANILA, Philippines — Binatikos ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang panukalang pagtatayo ng P32 bilyong stadium malapit sa Clark International Airport sa Pampanga sa gitna na rin umano ng krisis sa ekonomiya at kahirapan.
“How many public hospitals, schools, or housing projects could be built with P32 billion? It’s like the government is living in their wildest dreams while ignoring the reality on the ground,” ayon kay Brosas, House Assistant Minority Leader.
“Sa panahon kung kailan milyun-milyong Pilipino ang halos wala ng mailagay na pagkain sa mesa, talagang naisipan pa ng gobyerno na maglaan ng bilyun-bilyon para sa isang mega-stadium project na hindi naman mapapakinabangan ng mamamayan,” punto ni Brosas.
Sa anunsyo ni Clark International Airport Corporation (CIAC) President Arrey Perez. ang panukalang 40 hektaryang entertainment complex na planong itayo ay tatapusin hanggang 2028 na naglalayon aniyang mabawasan ang trapiko sa Clark International Airport sa pamamagitan ng pagho-host ng mga concerts ng mga internasyonal na artists.
Kinuwestiyon naman ni Brosas ang pagsusulong ng nasabing magastos aniyang proyekto sa pamamagitan ng Public -Private Partnership (PPP) arrangement.