Bagong PPP Party-list, todo-suporta ang mga Cebuano

Para sa Bayan: Makikita sa larawan ang mga mangingisda ng Danao City, Cebu na todo-suporta sa PPP Party-list.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tila malaki ang tiwala at kumpyansa ng mga mamamayan sa Cebu, partikular na sa Danao City kung saan nagtipon ang mga grupo ng mangingisda para magbigay suporta sa Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Party-list kamakailan.

“Ito ang hinihintay namin na totoong party-list na kakatawan sa ­aming mga mangingisda. Party-list na sigurado kaming makakatulong saan mang panig ng bansa,” ayon kay Ado na isang mangingisda sa Danao City.

Ang PPP Party-list ay naglalayon na mabig­yan ng tulong ang mga mangingisda at ibang marginalized group sa buong bansa.

“Sa kasalukuyan, ngayon pa lang po ay pinag-aaralan na namin ang mga bagay, maging mga posibleng batas na dapat maihain sa Kongreso sa sandali na tayo po ay pagkatiwalaan ng taong bayan,” pahayag ni Bryan Lim, isa sa representative ng PPP Party-list.

Show comments