Lalaking nag-dive sa isang talon sa Ilocos Sur, nasawi

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi makaraang tumalon ito sa Kagutungan Falls sa Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Ayon sa mga otoridad, ang 43-anyos na biktima na isang construction wor­ker ay umakyat sa puno ng balete bago mag-dive sa taas na 25 talampakan sa tubig na nasa ibaba nito.

Matapos na luman­ding sa tubig, nakita ng mga saksi ang biktima na nakaahon ngunit kalaunan ay lumubog din.

Nagdurugo ang ­ilong ng biktima habang iniaahon ito sa tubig. Po­sible umanong tumama sa matigas na bagay ang ulo ng biktima sa ilalim ng tubig sa pag-dive nito. Naiuwi na ang bangkay ng biktima sa kanyang pamilya.

Show comments