Construction supply store, nasunog sa Bulacan

BALIWAG CITY, Bulacan, Philippines — Isang malaking sunog ang tumupok sa isang home improvement and construction supplies store kahapon sa Brgy. Tarcan ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na impormasyon, naganap ang sunog bandang 11:30 ng umaga nitong Miyerkules, sa naturang establisi­mento sakop ng Brgy. Tarcan.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog bandang alas-11:39 ng umaga habang nasundan ng 3rd alarm ganap na alas-11:46 ng umaga at 11:56 ng umaga ay pumalo ito sa 4th alarm.

Dahil dito, nagdulot ng makapal at maitim na usok ang nasabing sunog dahil umano sa maraming mga furniture at light materials ang laman umano ng tindahan.

Nagtulung-tulong ang mga pamatay sunog mula sa iba’t ibang bayan sa pag-apula sa sunog na walang iniulat na nasaktan.

Dahil sa nasabing sunog, nagkabuhul-buhol naman ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Show comments