3 lider ng NPA, sumuko sa Oriental Mindoro

MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko sa tropa ng militar ang tatlong lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Oriental Mindoro, ayon sa ulat nitong Miyerkules.

Kinilala ang mga nagsisuko na sina alyas “Ka Nitong”, squad leader ng Kilusang Larangan Guerilla (KLG) MAV at Vice Squad Leader ng Platun Age; alyas “Opel”, dating platoon leader ng KLG-ICM at alyas “Ka Melinda”; Logistics Officer ng mga nalalabing kasapi ng KLG-ICM ng NPA Command.

Sa naantalang ulat na tinanggap ni 2nd Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Roberto Capulong ng Philippine Army, ang tatlong lider ng NPA ay sumuko may dalawang araw na ang nakalilipas sa tropa ng 4th Infantry “Scorpion” Battalion (IB) sa Brgy Lisap, Bongabong ng nasabing lalawigan.

Isinurender din ni Ka Nitoy ang kaniyang sniper rifle na bahagi ng mga armas ng komunistang grupo na kaniyang kinabibilangan.

Show comments