MANILA, Philippines — Dahil isang halal na opisyal lamang ng Bicol ang nakikinabang at hindi ang mamamayan ng reihyon ay nagkasundo ang mga local chief executives ng lalawigan ng Albay sa Bicol Region na tuluyan nang tanggalin ang Small Time Lottery (STL) at jueteng sa kanilang lugar.
Ito ay makaraang mabunyag ang paggamit umano sa kanyang impluwensiya upang tuluyang kumubra ng kita mula sa naturang sugal na lumalabas na minaniobra umano ng nasabing halal na opisyal ang operasyon ng STL sa lalawigan upang tuluyang pagkakitaan ang jueteng at STL.
Aniya, tanging ang mataas na halal na opisyal lamang umano ang may patong sa naturang sugal at kahit galit na ang mga alkalde ay wala silang magawa dahil sa maimpluwensyang ito sa kasalukuyang administrasyon. Sinasabing hindi rin nagustuhan ng mga jueteng operator sa Bicol ang ginawa ng opisyal na pakikialam sa kanilang numbers game at wala rin silang magawa kahit mag- alboroto sila dahil ginagamit umano ng opisyal ang kanyang impluwensiya para tuluyang pagkakitaan ang jueteng operation at isulong ang STL doon.
Binigyang diin ng mga alkalde na mas mabuting itigil na nila ang STL sa kanilang mga lugar dahil wala naman ditong pakinabang ang mamamayan kundi ang naturang opisyal lamang.