MANILA, Philippines — Balik-kulungan ang ex-convict matapos makuhanan ng isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa buy-bust operation sa Barangay Mantuyong, Mandaue City, Cebu nitong Biyernes.
Kinilala ang suspek na isang 57-anyos na si “Rakrak” na naaresto ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Mandaue City Police Office (MCPO) sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas, Police Regional Office-Central Visayas, at MCPO-Intelligence Unit.
Ayon sa pulisya, ang suspek na residente ng Carcar City, Cebu ay nakulong na mula noong 1984 hanggang 1991 dahil sa pagnanakaw.
Nakulong ulit ito mula 1994 hanggang 2002 dahil sa illegal posession of firearms, at nakulong din noong 2010 dahil sa pagpatay.
Ayon sa mga otoridad, natatanggap ng suspek ang kanyang mga suplay ng illegal na droga mula sa isang preso sa Abuyog Penal Colony sa Abuyog, Leyte.