2 barangay tanod niratrat sa Bulacan

Kinilala ang dalawang tanod na nasugatan na sina Noli Ramos y Flores, 40, binata; at Pascual Aquino y Galicia, 62, pawang residente ng Sitio Balucok,ng nasabing barangay.
STAR / File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —Dalawang barangay tanod ang pinagbabaril ng riding in-tandem sa Brgy. Sta.Ines ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang dalawang tanod na nasugatan na sina Noli Ramos y Flores, 40, binata; at Pascual Aquino y Galicia, 62, pawang residente ng Sitio Balucok,ng nasabing barangay.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad papauwi na sa kanilang bahay ang dalawang biktima sakay ng Kolong-Kolong motorcycle nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki na lulan ng motorsiklo.

Nagtamo ng mara­ming tama ng bala ng baril si Ramos sa ulo at katawan at nasa kritikal na kalaga­yan habang sugatan din si Galicia.

Show comments