16 na patay sa baha, landslides sa Mindanao -NDRRMC

Situation at Km. 74, Purok 1B, National Highway, Brgy. Sawangan, Mawab in Davao de Oro.
Facebook / Provincial Government of Davao de Oro

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 16 katao ang bilang ng mga nasawi sa matinding pagbaha at landslides sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kahapon.

Ang mga nasawi ay naiulat sa Davao region, bunsod ng mga pagbaha ng nagdaang linggo.

Inuilat din ng NDRRMC na may tatlo katao mula sa Davao region ang nawawala, habang 11 pa ang sugatan.

Nasa 772,000 indibiduwal naman mula sa Northern Mindanao, Davao region, SOCCSKSARGEN, CARAGA, at Bagsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naapektuhan sa “trough” ng low pressure area (LPA) at ng northeast monsoon.

Sa mga apektadong populasyon, mahigit 409,000 ang inilikas sa kani-kanilang tahanan.

Show comments