Mister, kalaboso sa indiscriminate firing

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang mister matapos masangkot sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Taysan, Batangas nitong Sabado ng madaling araw.

Ito’y sa gitna na rin ng unang araw ng Simbang Gabi ng Simbahang Katoliko kaugnay ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Ang suspect na itinago sa pangalang Eleuterio ay nahaharap sa kasong alarm and scandal o ang paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o ang illegal possession of firearms.

Sa ulat ng CALABARZON Police, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. San Isidro, Taysan ng lalawigang ito.

Ayon sa imbestigasyon, walang pasubaling nagpaputok ng baril na isang Colt cal. 45 pistol ang suspect sa kanilang lugar sanhi upang lumikha ng matinding takot sa mga residente na naalimpungatan sa kanilang pagkakatulog.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis at nasakote ang suspect na nakumpiskahan ng nasabing armas at mga bala.

Nakapiit na sa custodial facility ng Taysan Municipal Police Station (MPS) ang nasabing suspect na nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments